Thursday, September 20, 2012

Something Good from a Nightmare


Share lang ng experience ko last Tuesday, September 18, 2012

Kasama ko si Jaen at Theodore nung Tuesday. Sobrang laughtrip lang kami sa orgroom tapos may pumasok na babae, iniinvite kami umattend ng evening prayer. Pumunta kami kasi 15 minutes lang naman daw. Hindi namin talaga alam yung ginagawa namin dun. Yung uupo tapos tatayo tapos magba-bow. Hindi din namin alam yung tono ng mga kanta. Pero ayun nga. After nun umuwi na kami. Naghiwa-hiwalay kami. Ako una sumakay ng jeep. Pagsakay ko ng jeep parang may something akong nafeel. Kinabahan ako. Tapos yung guy na naka-jacket ang sama ng tingin. Natakot ako sa kanya kasi mukha siyang may gagawing masama. Hindi naman sa nanghuhusga ako pero iba lang talaga yung feeling ko. Ang ginawa ko, itinago ko yung phone ko tapos yung laptop ko ipinailalim ko. Pinatungan ko ng books. After ilang minutes lang yung lalaki may hawak na siyang kutsilyo nakatutok sa tagaliran ng babaeng nasa tabi niya na nasa harapan ko naman. Tapos may kinuha siya mula sa bulsa nung girl. Yung girl hindi kumibo hanggang sa makuha na yung Iphone niya. Hindi nalang ako nakapagsalita sa sobrang takot ko. Tapos yung kamay ko nasa bulsa ko lang, kinakapa ko yung rosary ko tapos sa isip ko sabi ko, "Lord please help us. Lord yung phone ko. Lord yung laptop ko. Lord baka ako yung isunod niya". Naluluha na din ako nun. Tapos yun bumaba na yung snatcher.

After nun sobrang nagpapasalamat talaga ako kay Lord, hindi lang dahil sa hindi nakuha yung phone at laptop ko pero dahil safe kaming lahat na nasa jeep. Sure ako na si God yung bumulong sakin na itago ko yung phone ko kahit na may katext ako. Nagpapasalamat din ako kasi pinili naming magdasal muna nung araw na yun. Nagpapasalamat ako kasi dumaan muna ako sa church bago pumunta sa orgroom. Ano lang naman yung ilang minutong pagdadasal kung kapalit naman nun is yung safety mo for the entire day, or week or even longer than that. Nagpapasalamat lang din ako dahil narinig ko yung talk ni Ate Ayis at yung words ni Kuya Allen sa worship nung Monday.

Stay safe guys. Alam ko na kahit super ingat natin, marami parin talagang masasama sa paligid kaya dapat mag-pray tayo lagi kasi hindi natin alam kung kelan at saan natin kakailanganin yung help ni God. God bless :)))

2 comments: