Napansin ko lang, halos lahat ng blogs ko English. Nakakapanibago tuloy mag-blog ng Tagalog version. Anyway, para naman maiba, Tagalog nalang din gagamitin ko dito. Mahalin ang sariling wika nga daw diba? Don't worry! I'll try my best not to bore you and that you wouldn't doze off while reading this.
Hanggang ngayon may sakit parin ako (awkward mag-Tagalog, para akong makata!). Actually nag-start to nung Tuesday. Dala na siguro 'to ng stress at depression for the past week. Pero naenjoy ko parin yung araw ko last Tuesday. Wait, ano nga ba nangyari nung araw na yun? I spent the whole day with my friends from my block. Puro food trip lang kami nung araw na yun. Before namin umuwi, nag-frappe pa kami, kaya siguro lumala yung sakit ko. Tapos pumunta ako mag-isa sa church para umattend ng mass. Nakakatuwa nga kasi sobrang nakarelate ako sa Gospel. About putting God in the center of your life despite of the problems you're going through. Todo luha talaga ako kasi parang feeling ko patama talaga sakin ng pari yun. After nun umuwi na ako mag-isa. Susunduin dapat ako ni Mommy Dear kaso may lakad pa kasi yata siya.
Pagsakay ng jeep which is ako lang ang sakay, (hahahah! feeling diyosa ng jeep :)) then nagbayad na ako. Ang regular fare ng student is Php7.00 pero nasanay na kasi ako magbayad ng Php8.00 since first year. Ang nakakatuwa jan, binalik sakin ni mamang driver yung PISO kasi daw estudyante ako. Obvious naman sa uniform kong pang Mercury Drugstore. So anong nakakatuwa dun? For my almost 2 years na pagco-commute at pagbabayad ng sobra sa dapat, siya palang yung unang taong honest na nagbalik ng piso sakin. Kung iisipin, it won't mean much to me, okay lang sakin if di na niya ibalik, but the fact na naging honest siya para ibalik yun, that's a big thing. Come to think of it, sa hirap ng buhay ngayon, alam naman natin na todo kayod talaga bawat isa para lang makasurvive sa bawat araw. Meron pa nga dyan yung mga kapit na sa patalim may makain lang. It reminds me of my friend who got her Iphone 5 snatched which is a week old palang.
Saludo talaga ako kay mamang driver kaya inspired din akong gumawa ng blog para sa kanya kasi yung mga honest na taong tulad niya, dapat lang na i-recognize. But still, the thing is, kahit na hindi makita o malaman ng maraming tao yung kabutihang-loob niya, may isang tao namang hindi pinapalampas yun, si God. I'm sure na ibe-bless pa siya lalo ni God kasi mabait siya. And for that, I wish him all the best to come.
No comments:
Post a Comment